^

Metro

Trader nilooban na, pinatay pa

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay matapos na pagnakawan ang isang negosyante sa loob ng kanyang tindahan, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Patay na nang matagpuan ang biktima na nakilalang si Abraham Manganip, 53, ng Sarmiento Village, Barangay Banlat, ng nabanggit na lungsod bunga ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Wala pang matukoy ang pulisya na suspect sa naganap na krimen.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon natagpuan ang labi ng biktima dakong alas-6:55 ng umaga ng mismong kanyang misis na si Norma.

Bubuksan umano ni Norma ang kanilang tindahan ng makita na nakahandusay ang mister.

Malaki ang paniwala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo sa naganap na pagpaslang sa biktima makaraang matuklasang nawawala ang mga singil nito sa pautang maging ang kinita sa tindahan.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito, gayundin ang pagtugis sa mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ABRAHAM MANGANIP

AYON

BARANGAY BANLAT

BUBUKSAN

DORIS FRANCHE

MALAKI

PATAY

PATULOY

QUEZON CITY

SARMIENTO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with