Kuya dinedo ng utol
February 22, 2003 | 12:00am
Isang kapatas sa pagawaan ng lantsa ang binaril at napatay ng sarili niyang kapatid makaraang makatanggap ng tsismis ang huli na ang una ang naging dahilan ng pagkakatanggal niya sa trabaho, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Navotas.
Si Reynaldo dela Cruz, 50, ng Rosal St. Barangay San Roque ay hindi na umabot pang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa katawan.
Mabilis namang tumakas ang nakakabata nitong kapatid na suspect na si Ernesto dela Cruz, 45.
Sa ulat ni PO3 Jamercon Margate, may hawak ng kaso dakong alas- 2 ng hapon ng maganap ang nasabing insidente sa pagawaan ng lantsa na nasa Aling Nena St., Barangay San Jose ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, kausap ng isang Brenda Castillo, 37, ang biktima nang biglang dumating ang suspect at nilapitan ang kanyang kuya.
Galit umanong kinompronta ng suspect ang kanyang kuya, kasabay nang pagsasabing; " Ano ba ang problema mo, bakit mo ako pinatanggal sa trabaho?". Kasunod nito ang pagbunot ng baril at pinaputok ng suspect sa biktima.
Ayon sa ilang malalapit na kasamahan sa trabaho ng biktima may nagsabi umano sa suspect na ang nasawi ang dahilan nang pagkakatanggal nito sa trabaho. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest