^

Metro

Warrant of arrest vs Strunk inilabas na

-
Wala nang ligtas sa kalaboso si American national Rod Lawrence Strunk makaraang pormal na ipalabas na kahapon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang warrant of arrest laban dito kaugnay ng pagpaslang sa kanyang asawang si veteran actress Nida Blanca noong Nobyembre 2001.

Kasabay nito, itinakda ni Judge Alex Quiroz ng Pasig RTC Branch 156 ang arraignment sa kaso ni Strunk sa darating na Marso 11 dakong 8:30 ng umaga ng taong ito.

Sinabi ni Lorie Uson, acting Clerk of Court na ang warrant of arrest laban kay Strunk ay kanilang ipadadala sa mismong address nito dahil ang akusado ay kasalukuyang nasa ibang bansa.

Si Strunk ay lumabas sa bansa at nagtungo sa Estados Unidos matapos ituro ng bumaligtad na self-confessed killer na si Philip Medel Jr. na siya umanong utak sa krimen.

Sinabi ni Uson na tungkulin ng korte na isyuhan ng warrant of arrest si Strunk dahil ito ang pangunahing suspect sa kaso at bahala na ang pulisya na dakpin ito.

Samantala, ang ‘extradition treaty’ sa kaso ni Strunk ay tungkulin na umano ng Department of Justice (DOJ).

Hindi na nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Medel dahil kasalukuyan itong nasa kustodya ng National Bureau of Investigation at dadalhin na lamang ito sa nasabing Pasig RTC sa oras ng paglilitis. (Ulat ni Joy Cantos)

CLERK OF COURT

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

JOY CANTOS

JUDGE ALEX QUIROZ

LORIE USON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIDA BLANCA

PASIG

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with