^

Metro

Buhay palit sa pananakit sa aso

-
Sa tindi ng galit, tinadtad ng saksak ng isang lalaki ang kanyang binatilyong kapitbahay matapos ang mainitang pagtatalo hinggil sa aso ng una na sinaktan ng huli, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nasawi habang ginagamot sa Pagamutan Bayan ng Malabon sanhi ng mga saksak na tinamo sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Dennis Puno, 19, ng Pinagsabugan, Barangay Longos ng nasabing lungsod.

Arestado naman ang suspect na nakilalang si Laureano Marfill, 26, tubong Bacolod City at kapitbahay ng biktima.

Ayon kay PO1 Damaso Gayatao, may hawak ng kaso, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente.

Napag-alaman na bago ang naganap na krimen ay narinig na nagtatalo ang dalawa hinggil sa pananakit ni Puno sa alagang aso ni Marfill.

Habang nasa kainitan ng pagtatalo ay biglang naglabas ng patalim ang suspect at saka inundayan ng saksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad namang nadakip ang suspect matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ARESTADO

AYON

BACOLOD CITY

BARANGAY LONGOS

DAMASO GAYATAO

DENNIS PUNO

LAUREANO MARFILL

MALABON CITY

PAGAMUTAN BAYAN

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with