Mag-asawang 'tulak' nadakip

Isang mag-asawang umano’y ‘tulak’ ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya sa aktong gumagamit ng shabu sa harapan mismo ng kanilang mga anak kahapon ng madaling-araw sa Taguig.

Kapwa naghihimas ng rehas na bakal ang mag-asawang nakilalang sina Sagiera, 27, at Teng Salazar, ng Barangay Maharlika Village ng bayang nabanggit.

Ayon sa Taguig Police, dakong ala-1:30 kahapon ng madaling-araw nang magsagawa sila ng operasyon sa lugar matapos na makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa pagbebenta ng droga ng mag-asawa.

Natiyempuhan pa ng mga awtoridad ang mag-asawa na sumisinghot ng shabu sa harap ng kanilang mga anak.

Nasamsam sa mga suspect ang dalawang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalias. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments