^

Metro

Miyembro ng drug syndicate nilikida

-
Isang pinaniniwalaang miyembro ng drug syndicate ang tinambangan at napatay ng tatlong di-nakikilalang kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng "vigilante group" habang ito ay sakay ng kanyang mountain bike, kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng kalibre .38 na baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kinilalang si Maximo dela Rama, 48, residente ng R-10, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nabanggit na bayan.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect sa di mabatid na direksyon matapos ang nasabing insidente.

Sa ulat ni SPO2 Daniel Ferrer, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente dakong alas-10 ng gabi kamakalawa sa kahabaan ng R-10 Road malapit sa Youngstown Canning Corp., NBBS, Navotas.

Kasalukuyan umanong sakay ng kanyang mountain bike ang biktima nang biglang lumitaw ang tatlong suspect na pawang armado ng mga baril at pagtulungang pagbabarilin ang biktima hanggang sa duguan itong humandusay sa kalsada.

Napag-alaman na ang biktima ay sangkot umano sa sindikato na nagpapakalat ng iligal na droga sa nabanggit na bayan.

Narekober ng pulisya sa biktima ang isang kalibre .45 baril.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng mga suspect at sa agarang pagkaaresto ng mga ito. (Ulat ni Rose Tamayo)

DANIEL FERRER

ISANG

KASALUKUYAN

MABILIS

MAXIMO

NAPAG

NAVOTAS

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

ROSE TAMAYO

YOUNGSTOWN CANNING CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with