^

Metro

Pro-friends namimigay ng bahay

-
Bilang bahagi ng kanilang ika-apat na taong anibersaryo, muling magpapamigay ng bahay ang grupong Pro-Friends na umano’y naglalayong makatulong sa mga pamilya na nagnanais na makaroon ng sariling tahanan.

Ayon kay Pro-Friends EVP Gus Leonardo Jr., layunin nila na tulungan ang bawat pamilya na magkaroon ng tahanan na kanilang babayaran sa abot ng kanilang makakaya.

Aniya, karamihan sa mga Filipino ay subsob sa kanilang trabaho para lamang makabayad ng kanilang buwanang renta sa bahay.

Subalit sa Pro-Friends, na itinatag noong Pebrero 23, 1999, maraming pamilya na rin ang nabiyayaan ng pabahay na maituturing na "dream house".

Tiniyak ni Leonardo na gawa sa "buhos" ang mga bahay na kanilang itinatayo at hindi basta gawa lamang sa hollow blocks.

Kasabay nito, isang paraan din ng kanilang pasasalamat ay ang pamimigay muli ng bahay sa pamamagitan ng programang Willingly Yours na pinangungunahan ng komedyanteng si Willy Revillame. (Ulat ni Doris Franche)

ANIYA

AYON

BILANG

DORIS FRANCHE

GUS LEONARDO JR.

KANILANG

KASABAY

PEBRERO

PRO-FRIENDS

WILLINGLY YOURS

WILLY REVILLAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with