Pinoy deportee nag-suicide
February 17, 2003 | 12:00am
Dala ng pagkaburyong sa buhay, isang Pinoy deportee mula sa US ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng lason kahapon ng umaga sa Quezon City.
Halos naaagnas na ang katawan ng biktimang si Roberto Reyes nang matagpuan sa kuwarto ng kanyang tinutuluyang bahay sa 800 Tandang Sora Ave. Brgy. Old Balara ng nabanggit ding lungsod.
Ayon kay PO2 Randy Escobido ng CPD-CIU, dakong alas 11 ng umaga nang uminom ng lason ang biktima matapos na gumawa ng suicide note.
Nakalagay sa suicide note ang kanyang pagdaramdam sa nasirang pamilya at pangarap.
Nabatid na dalawang buwan na sa Pilipinas ang biktima matapos na ito ay i-deport ng Texas, USA dahil sa kasong overstaying at pagkakakulong ng ilang buwan.
Tanging ang kaibigan lamang nito na si Renato Aquino ang tumutulong sa biktima upang may makain sa araw-araw. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest