^

Metro

Mag-tiyo niratrat, 1 patay

-
Isa ang namatay habang sugatan naman ang pamangkin nito nang barilin ng dati na umanong kaalitan sa bahay ng mga ito kamakalawa ng gabi sa Malabon.

Patay na bago dumating sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala ng baril sa balikat at tiyan ang biktimang si Edwin Pelagio, 45, binata, welder at residente ng 8 E. Santos St., Baritan ng nabanggit na lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing pagamutan ang pamangkin ng nasawi na si Jimmy Pelagio, 22, binata, ng nasabing lugar sanhi ng tama ng bala ng baril sa kanang binti.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na nakilala sa alyas na "Junior Roque" na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Base sa ulat ni PO2 Redentor Mantala, may hawak ng kaso, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang naturang insidente sa loob ng bahay ng mag-tiyuhin.

Nabatid na kasalukuyang nagkukuwentuhan ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay nang biglang pumasok ang suspect na armado ng baril at kaagad na tinutukan ang matandang Pelagio.

Tinangka umanong agawin ng namatay ang hawak na baril ng suspect kaya pinaputukan nito si Pelagio ng dalawang sunod na tinamaan sa balikat at tiyan.

Ang ikalawang punglo na tumama sa tiyan ng biktima ay naglagos na siya namang tumama sa kanang binti ng batang Pelagio.

Ayon sa pamangkin ng namatay, ang kanyang tiyuhin at ang suspect ay may matagal nang alitan. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BARITAN

EDWIN PELAGIO

JIMMY PELAGIO

JUNIOR ROQUE

PELAGIO

REDENTOR MANTALA

ROSE TAMAYO

SANTOS ST.

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with