^

Metro

2 misis timbog sa mga pekeng SSS burial claim

-
Dalawang ginang ang inaresto ng mga kagawad ng Caloocan City police sa loob ng Social Security System (SSS-Caloocan Branch) hinggil sa pamemeke ng mga ito ng mga dokumento upang makakuha ng burial claim kamakalawa ng umaga sa nasabing lungsod.

Nakilala ang mga naaresto na sina Priscilla Santiago, 42, tubong Bulacan at residente ng 11-A. S. de Guzman St., Parada, Valenzuela City at Herminia Canabal, 34, may-asawa ng 3639 delos Reyes Compound, Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga nang maaresto sina Canabal at Santiago sa loob ng nasabing tanggapan ng SSS sa EDSA ng nasabing lungsod.

Ang pagkakaaresto sa dalawa ay base na rin sa reklamo ni Milagros Casuga, branch manager ng SSS Caloocan City.

Base sa reklamo ni Gng. Casuga, ang modus operandi ng dalawa ay mamemeke ng mga papeles para sa burial claim kung saan isa rito ang nagpanggap na sumakabilang-buhay na upang makakuha ng burial claim.

Matapos na maghinala ay agad na humingi ng tulong si Casuga sa pulisya kung saan nang magresponde ay inabutan ng mga ito ang mga suspect na tumatanggap ng P20,000 pay check (burial claim) at nakapangalan kay Priscilla Santiago.

Maliwanag na pineke lamang ng mga ito ang isang death certificate na nagsasaad na isang Resurreccion ang namatay noong nakaraang Enero 2, 2003 para lamang makakuha ang mga ito ng naturang halaga.

Nabawi mula sa pag-iingat ni Canabal ang naturang pay check at nahaharap sa kasong falsification of public documents at estafa (swindling) sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Ulat nina Rose Tamayo/Angie dela Cruz)

CALOOCAN BRANCH

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PROSECUTOR

CANABAL

CASUGA

GUZMAN ST.

HERMINIA CANABAL

PRISCILLA SANTIAGO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with