Teacher, 4 araw bihag ng tomboy
February 16, 2003 | 12:00am
Luhaang nagharap ng reklamo sa pulisya kahapon ang isang 22-anyos na dalagang teacher makaraang makatakas siya mula sa dalawang kababaihan, kabilang na ang isang tomboy, na dumukot at nagkulong sa kanya ng apat na araw at nagnakaw sa mga alahas at pera nito sa Makati City noong Pebrero 10.
Kinilala ang biktimang si Daisy Andam, ng 9th St., Brgy. West Rembo ng lungsod na ito.
Patuloy pa ring nakakalaya ang mga suspect hanggang ngayon.
Sa salaysay ni Andam kay PO1 Noli Jucal ng Theft and Robbery Section, naganap ang insidente noong Pebrero 10 dakong alas-5 ng hapon sa Binacod St., Barangay Olympia.
Nabatid na ang mga suspect ay sakay ng isang kulay puting kotse na walang plaka. Habang naglalakad ang biktima, bigla nila itong dinukot at dinala sa kanilang tinutuluyan.
Nabatid na apat na araw na ikinulong ang dalaga at ninakaw ang kanyang cash na P16,000, gayundin ang kanyang gintong hikaw at bracelet.
Pagsapit ng Pebrero 14, nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang dalaga sa kamay ng mga suspect at kaagad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang kanyang sinapit. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest