^

Metro

Ama patay sa suntok ng anak

-
Dahilan sa pagtatanggol sa ina, isang 24-anyos na high school teacher ang inaresto matapos nitong mapatay sa suntok ang sariling ama na naabutan niyang bumubugbog sa una, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Patay na nang idating sa Jose Reyes Medical Center ang biktimang si Alexander Tumamao, 50, dating miyembro ng Phil. Army at residente ng 564 Danganan St., Gagalangin, Tondo.

Ang biktima ay nagtamo ng hematoma sa dibdib sanhi ng malakas na suntok ng anak nitong si Dennis, binata, ng Tondo.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Western Police District (WPD) Homicide Division dakong alas-2 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-anak.

Nabatid na lasing na lasing na dumating sa bahay ang biktima at pilit na humihingi ng pera sa asawang si Avancia subalit kulang ang ibinigay ng huli dahilan upang magalit ang una.

Nabatid na binugbog ng biktima ang kanyang asawa hanggang sa dumating ang anak nilang si Dennis na umawat dito.

Sa halip na pumayapa ang ama ay pinagdiskitahan nito ang anak na kanya ring pinagsusuntok dahilan upang gumanti ng suntok si Dennis.

Maaaring napuruhan nito sa dibdib ng malakas na suntok ang ama na naging dahilan ng kamatayan nito.

Kasalukuyang nakapiit sa WPD detention cell ang suspect na nakatakdang sampahan ng kasong parricide. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALEXANDER TUMAMAO

AVANCIA

DAHILAN

DANGANAN ST.

GAGALANGIN

GEMMA AMARGO

HOMICIDE DIVISION

JOSE REYES MEDICAL CENTER

NABATID

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with