Kasabay nito, kinumpirma ni Domingo ang pagtawag sa kanya umano ni Congressman Willie Villarama para mabigyan umano ito ng agarang piyansa.
Base sa mga nakalap na dokumento maging ang birth certificate ni Villalon sa bureau, nakasaad ang pagiging Chinese national nito at hindi isang Pilipino.
Napag-alaman din na mayroong pinanghahawakang balidong Philippine passport si Villalon na naging malaking katanungan kay Domingo kung papaanong nagkaroon ang una. Aniya mula pa noong 1997 ay nakakapag-biyahe na ang una gamit ang nasabing pasaporte.
Napag-alaman din na may late registration si Villalon sa National Statistic Office noong 1991 o 1992.
Gayunman, iginiit ni Villalzon kay Domingo na isa siyang Pilipino dahil sa ang kanyang lolo ay isang Filipino dahil mayroon itong pinanghahawakang certificate ngunit hindi pa ito naipapakita ng huli. (Ulat ni Jhay Mejias)