^

Metro

Bilyonaryong Tsino timbog sa fake documents

-
Iprinisinta kahapon ni BID Commissioner Andrea Domingo ang bigtime businessman na si Leonardo Villalon na may alyas na Leon Basilio Chua; Leon Chua at Basilio Lee Chua , distributor ng mga cellphones at accesories na nadakip kamakalawa ng gabi sa kanyang tanggapan sa Semicon sa Marcos Highway sa Antipolo City.

Kasabay nito, kinumpirma ni Domingo ang pagtawag sa kanya umano ni Congressman Willie Villarama para mabigyan umano ito ng agarang piyansa.

Base sa mga nakalap na dokumento maging ang birth certificate ni Villalon sa bureau, nakasaad ang pagiging Chinese national nito at hindi isang Pilipino.

Napag-alaman din na mayroong pinanghahawakang balidong Philippine passport si Villalon na naging malaking katanungan kay Domingo kung papaanong nagkaroon ang una. Aniya mula pa noong 1997 ay nakakapag-biyahe na ang una gamit ang nasabing pasaporte.

Napag-alaman din na may late registration si Villalon sa National Statistic Office noong 1991 o 1992.

Gayunman, iginiit ni Villalzon kay Domingo na isa siyang Pilipino dahil sa ang kanyang lolo ay isang Filipino dahil mayroon itong pinanghahawakang certificate ngunit hindi pa ito naipapakita ng huli. (Ulat ni Jhay Mejias)

ANTIPOLO CITY

BASILIO LEE CHUA

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

CONGRESSMAN WILLIE VILLARAMA

DOMINGO

JHAY MEJIAS

LEON BASILIO CHUA

LEON CHUA

LEONARDO VILLALON

VILLALON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with