^

Metro

Riot ng mga driver: 10 sugatan

-
Sampu katao ang nasugatan, kabilang na ang isang pulis, matapos sumiklab ang kaguluhan nang magkapaluan at magbarilan ang nagkainitang grupo ng jeepney at FX taxi drivers na kasapi ng isang asosasyon sa EDSA Central terminal sa Crossing ng Mandaluyong City, kahapon ng umaga.

Kabilang sa nasugatan si PO2 Isidro Mariano, miyembro ng Special Weapons and Tactics Unit ng Eastern Police District (SWAT-EPD) at William Rejano, 33, isang driver ng jeepney.

Si Mariano ay isinugod sa Rizal Medical Center matapos na magtamo ng dalawang saksak sa likod at mga palo sa ulo nang kuyugin ng mga tsuper, habang si Rejano naman ay isinugod sa Pasig City General Hospital nang aksidenteng tamaan ng bala sa likurang bahagi ng tuhod.

Samantala, ang iba pang mga biktima ay nagtamo naman ng mga pasa sa katawan bunga ng suntukan at hampasan sa naganap na rambulan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang insidente ay naganap bandang alas-10 ng umaga sa nasabing terminal.

Nagtungo umano sa nasabing lugar si Danilo Ocampo, Barangay Chairman ng Barangka Itaas ng lungsod na ito, kasama ang may 80 kasapi ng nag-aaklas na driver sa EDSA Central terminal upang palitan ang kasalukuyang chairman ng EDSA Central Driver’s Association na si Roberto Peralta, dating SWAT member ng Pasig City Police. Sa gitna ng pagpupulong ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magkapaluan at magsuntukan ang naturang grupo ng paksiyon ng mga driver na humantong sa umaatikabong rambulan. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY CHAIRMAN

BARANGKA ITAAS

DANILO OCAMPO

EASTERN POLICE DISTRICT

ISIDRO MARIANO

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PASIG CITY POLICE

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with