Coed patay sa abortionist
February 12, 2003 | 12:00am
Dinakip ng mga kagawad ng Western Police District ang isang abortionist at dalawang kasamahan nito makaraang biktimahin at mapatay ang isang 23-anyos na estudyante, kahapon ng hapon sa Pandacan, Manila.
Nakilala ang biktima na si Mary Jean Nobleza, graduating student. Dead-on-arrival si Nobleza sa Ospital ng Sampaloc bunga ng tuluy-tuloy na pag-agas ng dugo sa katawan.
Samantala, nakapiit ngayon sa WPD Station 4 ang mga suspect na sina Brigida Boleza, 56, manghihilot ng 1914 Mithi St., Bacood, Sta Mesa; Susan Nobleza, 39, tiyahin ng biktima at si Leonila Abuel, barangay tanod sa Brgy. 855 Zone 93.
Nabatid sa ulat ni SPO3 Wenceslao Villanueva, dakong alas-11 ng umaga kahapon ng magtungo ang biktima at ang tiyahin nito sa bahay ng suspect na si Boleza upang ipatanggal ang apat na buwang pinagbubuntis sa sinapupunan ng biktima.
Habang isinasagawa ang pagpapalaglag hindi napigilan ang pag-agas ng dugo buhat sa puerta ng biktima kayat nagdesisyon na ang mga suspect na dalhin ito sa ospital subalit hindi na umabot pang buhay.
"Puwersahang dinurog iyong fetus kaya siguro hindi maampat ang pagdurugo", pahayag pa ni Villanueva.
Ang biktima ay napag-alamang ga-graduate na sa kursong B.S. Computer Science. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended