^

Metro

Lolo kinatay ng mga holdaper

-
Nagkabutas-butas ang katawan ng isang lolo makaraang pagsasaksakin ng pinaniniwalaang mga holdaper, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Ramon Jaime Birosel,55, ng Jocson St. North Xavierville, Barangay Loyola Heights, Quezon City.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya laban sa mga tumakas na suspect.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ng isang Santos Modol, security guard ng Salewatch Security Agency ang bangkay ng biktima sa likurang bahagi sa loob ng kotse nito na isang Toyota Corolla habang nakaparada sa Mapagmahal St. Ext. Sikatuna Bliss ng nabanggit na lungsod.

Malaki ang paniwala ng pulisya na hinoldap ng mga suspect ang biktima dahil sa ilan sa mga personal na gamit nito ay nawawala.

Posible rin umanong nanlaban ang biktima kaya inundayan ng sunud-sunod na saksak sa kanyang katawan.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ukol dito. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BARANGAY LOYOLA HEIGHTS

DORIS FRANCHE

JOCSON ST. NORTH XAVIERVILLE

MAPAGMAHAL ST. EXT

QUEZON CITY

RAMON JAIME BIROSEL

SALEWATCH SECURITY AGENCY

SANTOS MODOL

SIKATUNA BLISS

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with