^

Metro

Amang ginawang taga-bili ng shabu ang anak, kalaboso

-
Isang ama ang ipinakulong ng sariling anak makaraang hindi na matiis ng huli ang ginagawang pambubugbog at gawing taga-bili ng shabu ng kanyang ama, kamakalawa ng hapon sa Navotas.

Kasalukuyang nakapiit sa selda ng Navotas police station ang suspect na nakilalang si Florencio Pangilinan, 43, ng 22 M. Naval ng nasabing bayan matapos itong ireklamo ng kanyang anak na nakilalang si Jake, 13.

Ayon kay PO1 Milrosa Almasco, may hawak ng kaso, dakong alas-4 nang bugbugin ng suspect ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Nauna rito, inutusan umano ng suspect ang kanyang anak na bumili ng shabu bagamat labag sa kagustuhan ng biktima na sundin ang gusto ng kanyang ama ay sumunod din ito.

Nang makabili, sa halip na umuwi ng kanilang bahay ay nagtungo sa kanilang barangay ang biktima na agad namang sinamahan kay Insp. Roberto Dayag ng PCP 2 kung saan sinabihan ng pulis ang biktima na umuwi muna at bumalik sakaling saktan siya ng kanyang ama.

Hindi naman nagkamali ng hinala si Dayag dahilan sa makalipas ang ilang minuto ay duguan at bukul-bukol ang pagmumukha ng biktima nang magbalik ito sa naturang himpilan kung saan agad nilang inaresto ang suspect at ngayo’y nahaharap sa kasong child abuse. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

DAYAG

FLORENCIO PANGILINAN

ISANG

KANYANG

KASALUKUYANG

MILROSA ALMASCO

NAVOTAS

ROBERTO DAYAG

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with