Lider ng 'Parojinog' 3 miyebro ng ' Butaslac' group arestado
February 11, 2003 | 12:00am
Naaresto ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang umanoy lider ng Parojinog Gang at tatlong miyembro naman ng Butaslac Robbery Group sa Marikina City.
Sa report ni NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco, ang mga nadakip ay nakilalang si Wilson Borromeo, 35, umanoy lider ng Parojinog Gang; Dante Garces, 25; Astroval Balana, 20; at Anthony Perez, 25, na pawang mga miyembro ng Butaslac Robbery Syndicate.
Ayon kay Velasco, ang Parojinog Gang ay nagsasagawa ng kidnapping, robbery, extortion at carnapping activities sa Quezon City, Marikina, Manila at Region 3. Ang isa pang lider nito na si Raniel Trinidad ay nananatiling nakakalaya.
Samantala, ang Butaslac Group ay sangkot naman sa serye ng carnapping at panghoholdap sa Quezon City at Marikina at matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Lumilitaw na ang pagkakadakip sa mga suspect ay bunsod na rin ng isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Marikina City Police matapos karnapin ang isang kulay puting Mitsubishi Adventure na may plakang XCD-300.
Nakita ang sasakyan sa parking area ng Riverbanks Mall sa Barangka, Marikina na may pekeng plate number.
Nang tanungin ng mga pulis ang mga suspect, bigla na lamang nagtakbuhan ang mga ito na dahilan upang habulin ng mga awtoridad at makorner sa Riverbanks Grill.
Nakuha sa mga suspect ang isang kalibre .45, .38-caliber revolver, cellphone at ilang mga handbags na pinaniniwalaang gamit ng kanilang mga biktima. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest