Karibal sa pag-ibig itinumba
February 10, 2003 | 12:00am
Hindi na pinalagpas ng isang lalaki ang pagkakataon nang magtama ang kanilang landas ng kanyang umanoy karibal sa pag-ibig sanhi upang pagbabarilin ito hanggang sa mapatay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Bayan Medical Center sa nasabi ring lungsod ang biktimang si Oliver Ramonoles, 23, may-asawa, ng Phase 8-B, Package 13, Block 4, Lot 11, Bagong Silang habang pinaghahanap ng pulisya ang kapitbahay ng una na si Leonardo Augusto alyas Jonjon, 21, upang papanagutin sa krimen.
Sa imbestigasyon, naglalakad umano ang biktima papauwi galing sa isang birthday party nang hindi nito namalayan ang paglapit ng suspect at biglang inakbayan.
Magkasunod na pinaputukan ng suspect ang biktima sa dibdib at nang matiyak na patay ito ay mabilis na tumakas dala ang baril na ginamit. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended