^

Metro

4 miyembro ng holdap gang

-
Apat na pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng robbery/ holdup gang ang nasakote ng mga tauhan ng Marikina City Police matapos ang ilang minutong habulan nang maaktuhang hinoholdap ng grupo ang isang pampasaherong jeep sa nabanggit na lungsod, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasakoteng suspect na sina Dante Garces, 26; Nelson Borromeo, 25; Astrobal Balano at Anthony Perez, 25.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:15 ng madaling araw nang holdapin ng mga suspect ang mga pasahero at driver sa isang pampasaherong jeep habang bumabagtas sa tapat ng River Bank sa Brgy. Barangka, Marikina City.

Armado ng mga patalim at baril ang mga suspect ng limasin ang mga pera at alahas ng mga pasahero. Eksakto namang padaan ang Mobile car ng Marikina City police at nasaksihan ang komosyon sa loob ng jeep.

Mabilis namang nagpanakbuhan ang mga suspect ng makita ang mga pulis, subalit matapos ang ilang minutong habulan ay nasakote rin ang mga ito na ngayon ay nakapiit sa himpilan ng pulisya sa Marikina City. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANTHONY PEREZ

APAT

ASTROBAL BALANO

DANTE GARCES

JOY CANTOS

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

NELSON BORROMEO

RIVER BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with