Mag-syotang pulis nag-away, sibilyan sugatan
February 9, 2003 | 12:00am
Sugatan ang isang lalaki matapos itong tamaan ng ligaw na bala mula sa nag-aaway na mag-syotang pulis, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang paa ang biktimang si Joseph del Rosario, 30, ng 15 Celia St., Tenejeros, Malabon.
Nasa custody naman ng Northern Police District Office ang suspect na si PO1 Emily Garcia, nakatalaga sa NPDO-Deputy Director for Operations.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa detachment ng BMC na nasa Monumento Circle, Caloocan.
Nabatid na lasing sa alak ang suspect nang nagpunta sa nasabing detachment upang komprontahin ang kanyang nobyo na si PO2 Celso Santos na naka-assign sa BMC.
Mayroon umanong pinagseselosan ang suspect kung saan nang talikuran ni Santos at magpunta sa CR ng nasabing detachment ay biglang hinugot ni Garcia ang kanyang service firearm at pinaputok ng ilang beses kung saan naroroon ang kanyang nobyo.
Agad na lumabas ng banyo si Santos at inagaw ang baril ng suspect kung saan tinamaan naman ng ligaw na bala ang biktima na nasa di-kalayuan ng nasabing detachment. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended