^

Metro

2 fotog ginulpi sa Quiapo

-
Dalawang newspaper photographer ang iniulat na pinagbubugbog ng dalawang lalaking pinaniniwalaang sangkot sa pagbebenta ng pekeng mga VCD’s kahapon sa Quiapo, Manila.

Nakilala ang dalawang ginulping photographer na sina Max Pacion, ng Manila Times at Mike Taboy, ng pahayagang Imbestigador.

Napag-alaman na inaabangan ng dalawang biktima ang mga tauhan ng Video and Regulatory Board (VRB) sa may Quiapo kahapon na doon magsasagawa ang mga ito ng operasyon.

Dakong alas-9 ng umaga ay nandoon na ang dalawang photographer para magkober at kumuha ng litrato, subalit habang hinihintay nila ang mga operatiba ay nilapitan sila ng dalawang lalaki na biglang umagaw sa kanilang mga dalang camera at saka gumulpi sa kanila.

Sa kabila ng pagmamakaawa ng dalawang biktima ay tinangay pa rin ng mga ito ang kanilang mga camera, pagkatapos nito ay mabilis na itong nagsitakas.

Magugunita na kamakailan lamang ay nagmistulang war zone ang dalawang lugar sa Quiapo dahil sa pag-alma ng mga vendor na Muslim dito sa kampanya ng VRB na kumpiskahin ang tinda ng mga itong pekeng VCD’s. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CRUZ

DAKONG

DALAWANG

IMBESTIGADOR

MAGUGUNITA

MANILA TIMES

MAX PACION

MIKE TABOY

VIDEO AND REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with