^

Metro

Anak ni GMA sumaklolo sa dalagang gagahasain

-
Isang dalaga ang nakaligtas sa panggagahasa ng isang tricycle driver sa tulong ni Dato, bunsong anak ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ng kanyang back-up na Presidential Security Group (PSG).

Nakilala ang dalagang nasagip sa kamay ng rapist na si Rowena Budoy ng Tagkawayan, Quezon.

Ayon sa salaysay ni Rowena, nagpahatid siya sa tricycle driver na si Bong delos Reyes ng Alabang, Muntinlupa patungong terminal ng bus para umuwi sa kanilang probinsiya dakong alas-2 ng madaling araw.

Sa halip na dalhin siya sa istasyon ng bus dinala siya sa isang madamong lugar malapit sa Ayala Alabang at doon ay pinagtangkaan siyang gahasain.

Natigil lamang ang masamang tangka ng tricycle driver nang dumaan ang convoy ni Dato. Pinatigil ni Dato ang convoy na noon ay bumabagtas patungong South Ville malapit sa Ayala Alabang ng makitang nagtatatakbo at umiiyak na humihingi ng saklolo ang biktima.

Natiyempuhan naman ng mga tauhan ng PSG ang suspect na si delos Reyes habang isinasara pa ang zipper ng kanyang pantalon. Ikinatuwiran pa nito sa mga sumitang PSG na nasiraan lamang ang kanyang tricycle kaya sila naroon sa naturang lugar. Subalit hindi niya naisahan ang mga tauhan ng PSG dahil sinubukan ng mga ito na paandarin ang tricycle kaya nabatid na nagsisinungaling ang driver.

Dahil dito, agad na ipinahatid ni Dato sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang biktima upang masampahan ng kaso ang suspect. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ALABANG

AYALA ALABANG

AYON

DAHIL

LILIA TOLENTINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

REYES

ROWENA BUDOY

SOUTH VILLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with