3 BI agents tiklo sa entrapment
February 8, 2003 | 12:00am
Tatlong immigration agents ang iniulat na dinakip ng mga tauhan ng WPD at BI intelligence sa isinagawang entrapment operation kahapon sa Intramuros.
Nakilala ang mga dinakip na sina Ceferino Tan, Simeon Eleria at Ricardo Malolos na sinasabing sinuspinde ni BI Commissioner Andrea Domingo sa loob ng 90 araw habang nakabinbin ang kasong administratibo laban sa mga nabanggit na maari pang magdulot ng kanilang pagkasibak sa serbisyo.
Sinabi ni Domingo na ang grupo ni Tan ay naging notoryus sa loob ng ilang taon dahil sa ilang reklamong extortion at harassment na ikinaso laban sa mga ito.
Gayunman, ang mga reklamo ay hindi nakakasapat upang masibak ang mga ito sa kanilang serbisyo dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Hanggang sa tuluyan na ngang mahulog sa inihandang bitag ang mga ito kahapon. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am