Ito ang ginawang paglilinaw ni DILG Secretary Joey Lina matapos ang ulat na binawi na ng PNP ang paglalaan ng security sa Iraq Embassy alinsunod na rin sa Vienna Conventions on Diplomatic Relations, matapos ang ginawang pagdalaw sa bansa ni US Army chief, General Eric Shenseki.
Ayon kay Lina, nananatili ang kanilang kasunduan at walang sinuman ang maaaring mag-alis ng seguridad sa nasabing embahada lalu pat napipinto ang giyera sa pagitan ng Iraq at Estados Unidos.
Tiniyak ni Lina na ang lahat ng mga foreign embassy at mga diplomats sa bansa kabilang ang Iraqis ay pagkakalooban ng sapat na proteksyon mula sa pamahalaang Arroyo.
Ayon sa lumabas na report na ang pag-aalis umano ng mga security personnel ay bunsod ng kawalan ng sapat na pagkain at matutulugan ang mga pulis.
Sinabi naman ni Chief Supt. Prospero Noble, hepe ng PNP Police Security and Protection Office na tuluy-tuloy silang magbibigay ng seguridad sa Iraqi Embassy o kahit na sa anumang embahada na nalalagay sa posibleng kaguluhan. (Ulat nina Doris Franche at Danilo Garcia)