^

Metro

Ex-NPA rebels nangulimbat ng P1.9-M sa entertainer, tiklo

-
Bumagsak sa mga operatiba ng Pasig City Police ang isang dating miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na responsable sa pagnanakaw ng P1.9M sa isang Filipina entertainer noong nakaraang taon sa Pasig City.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Ernesto Catunggal, Chief ng Pasig City Police ang nasakoteng suspect na si Carmelo Porlaje, 41, na nadakip sa isang follow-up operations sa Floridablanca, Pampanga.

Dinakip ang suspect nitong Miyerkules ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC).

Sinabi naman ni P/Insp. Rodante Arcigal, pinuno ng arresting team na si Porlaje at ilan pa nitong kasamahang rebelde ay sangkot sa panloloob kay Arlene Digo ng P1.9M cash at mga alahas sa Brgy. Ugong, Pasig City noong nakaraang taon.

Inamin naman ni Porlaje sa isinagawang inisyal na interogasyon na napilitan umano siyang magnakaw matapos na madispalko ang P50,000 koleksiyon sa revolutionary tax ng Narciso Aramil Command, ang grupo ng NPA na aktibong nag-ooperate sa Rizal at iba pang kanugnog lugar.

Ang P50,000 ay pambili umano ng computers ng NPA na galing sa pangingikil ng mga ito ng revolutionary tax.

Natakot umano si Porlaje na paslangin ng kapwa rebelde kaya’t inilihim ang pagkakadispalko sa naturang halaga hanggang sa mapilitan siyang sumapi sa isang notoryus na robbery gang upang maisoli ang nadispalko.

Si Porlaje ay namasukan umanong driver ng nasabing Japayuki na nagbalikbayan kung saan ay plinano ang panloloob sa kanyang amo.

Inamin din ni Porlaje na kabilang din umano siya sa NPA team na pumaslang sa isang police major sa San Mateo, Rizal may ilang taon na ang nakakaraan. (Ulat ni Joy Cantos)

ARLENE DIGO

CARMELO PORLAJE

ERNESTO CATUNGGAL

INAMIN

JOY CANTOS

NARCISO ARAMIL COMMAND

NEW PEOPLE

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

PORLAJE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with