Trader binoga ng holdaper
February 6, 2003 | 12:00am
Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang negosyanteng Intsik makaraang pagbabarilin ito ng dalawang holdaper matapos tumanggi ang una na ibigay ang kanyang dalang pera, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.
Nakilala ang biktima na si Bryan Tan, 25, may-ari ng Dodwel Enterprise at naninirahan sa 170 Capligan St., Quezon City. Siya ay ginagamot ngayon sa Metropolitan Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.
Agad namang naaresto ng pulisya ang isa sa mga suspect na nakilalang si Felipe Aguilan, 43, tubong Solano, Tuguegarao City, habang pinaghahanap naman ang kanyang kasama na isang alyas Boy.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ito dakong alas-8 ng gabi sa parking area malapit sa tindahan ng biktima.
Papauwi na ang biktima sa kanilang bahay nang biglang tutukan ng baril ng mga suspect.
Puwersahang kinukuha ng mga suspect ang bag ng biktima na naglalaman ng may P853,600 cash ngunit hindi ibinigay ng huli.
Dahil dito, nagalit ang mga suspect at pinagbabaril ang biktima at saka mabilis na tumakas.
Gayunman, minalas silang makita ng mga nagpapatrulyang pulis kaya naaresto si Aguilan.
Narekober ng mga awtoridad sa nadakip na suspect ang bag ng biktima. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am