^

Metro

Humoldap sa East West Bank, arestado

-
Nadakip na ng mga tauhan ng Central Police District Intelligence Unit ang isa sa anim na suspect na sangkot sa holdapang naganap sa automated teller machine (ATM) ng East West Bank noong Enero 30 sa Quezon City.

Iniharap nina QC Mayor Feliciano Belmonte at CPD director Senior Supt. Napoleon Castro ang nadakip na suspect na si Ruben Ricabar, 40, na umano’y miyembro ng Gonzales Robbery Gang na sinasabing remnants naman ng Paracale Gang.

Si Ricabar ay dinakip ng mga awtoridad makaraang positibo itong kilalanin ng security guard sa nabanggit na bangko.

Nabatid pa na ang grupo rin ni Ricabar ang siyang sangkot sa panghoholdap sa isa pang branch ng East West Bank noong nakaraang taon.

Isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang mga security guard sa bangko dahil sa hindi pa inaalis ng pulisya ang anggulong "inside job" dito. Kaduda-dudang alam ng mga suspect ang oras ng paglalagay ng pera sa kanilang mga ATM machine.

Pinaghahanap pa ang iba pang kasamahan ni Ricabar. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

CENTRAL POLICE DISTRICT INTELLIGENCE UNIT

DORIS FRANCHE

EAST WEST BANK

GONZALES ROBBERY GANG

MAYOR FELICIANO BELMONTE

NAPOLEON CASTRO

PARACALE GANG

QUEZON CITY

RICABAR

RUBEN RICABAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with