^

Metro

Bombay na humalay sa katulong, arestado

-
Nagwakas ang kalbaryo ng isang 21-anyos na katulong na ginawang sex slave ng amo niyang Bombay matapos na maaresto ang huli sa isinagawang operasyon sa Pasig City.

Kinilala ang suspect na si Manjit Singh, 30, ng Galos Compound, Jenny’s Avenue, Barangay Maybunga ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa sumbong ng biktima na itinago sa pangalang Evelyn nagsimula siyang magsilbi sa bahay ng suspect noong nakalipas na Enero 11, 2003. Kinagabihan umano ay sinimulan na siyang halayin ng dayuhan habang nakatutok sa kanyang leeg ang patalim. Mula noon ay hindi na siya pinalabas ng bahay ng suspect na doon araw at gabi siyang hinahalay nito.

Enero 25, ng magkaroon siya ng pagkakataon na tumakas kaya agad siyang nakapagsuplong sa pulisya hanggang sa inihanda ang operasyon laban sa suspect na naging daan sa pagkakadakip dito. (Ulat ni Joy Cantos )

vuukle comment

AYON

BARANGAY MAYBUNGA

ENERO

EVELYN

GALOS COMPOUND

JOY CANTOS

KINAGABIHAN

KINILALA

MANJIT SINGH

MULA

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with