Shootout: 3 napatay ng pulis
February 5, 2003 | 12:00am
Nabaril at napatay ng mga tauhan ng Traffic Management Group (TMG) ang tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng carnapping syndicate makaraang manlaban sa mga awtoridad, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Isa sa nasawing mga suspect ay nakilalang si Dionisio de Vera, 22, ng J.P Rizal, Bagong Silang , Quezon City. Patay na ito nang idating sa QC Medical Center, samantala ang dalawa pa na hindi nakikilala ay may taas na 53 talampakan, nasa 25-hanggang 35 ang edad, katamtaman ang laki ng pangangatawan.
Ayon sa ulat ang insidente ay naganap dakong alas-10:50 ng gabi sa Temple Avenue, Greenmeadows Subdivision ng nasabing lungsod.
Nabatid na namataan ng mga tauhan ng TMG ang Toyota Lite Ace na kulay pula sa panulukan ng Ortigas Avenue at Meralco Avenue sa Pasig City. Ang naturang sasakyan ay nakaalarma na isang carnap vehicle.
Dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga suspect, sinundan ito ng mga tauhan ng TMG hanggang sa makarating sa Quezon City.,
Tinangka ng mga pulis na parahin ang mga suspect subalit bigla na lamang silang pinaputukan ng mga ito, kaya napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok.
Pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo ang tatlo kaya may hinalang hindi shootout ang naganap kundi posibleng rubout.
Iginiit naman ng pulisya na ang tatlong suspect ay mga miyembro ng Sputnik Gang na sangkot sa serye ng carnapping incident sa Metro Manila. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am