Bilyong piraso ng mga pirated CDs winasak
February 4, 2003 | 12:00am
Bilyun-bilyong piraso ng mga pirated VCD at CD na umaabot sa halagang 12 milyong piso ang winasak sa pamamagitan ng pison at pagbubuhos sa mga ito ng tubig, kahapon sa loob ng Camp Crame matapos ang sunod-sunod na operasyon ng Videogram Regulatory Board (VRB).
Kasabay nito, inihayag ni VRB Chairman Ramon "Bong" Revilla na nakatanggap sila ng ulat na maging ang mga sindikatong datiy sangkot sa operasyon ng ilegal na droga ay lumipat na rin sa operasyon ng mga piniratang VCD, CD at DVD dahil mas mabilis at mas malaki umano ang kitang tinatamasa dito.
Sinabi ni Revilla na base sa kanilang nakalap na impormasyon karamihan sa mga sindikato ng droga, tulad ng 14K gang ay lumipat na sa operasyon ng pamimirata ng mga compact discs dahil sa paghihigpit na sa smuggling ng mga awtoridad at sunud-sunod na raid sa mga shabu laboratory sa bansa.
Sa kabila umano ng mga raid nila, patuloy pa rin ang masiglang produksyon ng mga pirated VCD at CD dahil sa malaking puhunan ng mga sindikato.
Mas tinututukan umano nila ngayon ang mga pagawaan ng mga ito upang makumpiska ang mga replicating machines na mas malaking kawalan sa mga sindikato.
Nagbabala si Revilla na sasampahan na nila ngayon ng mga kaso upang madala ang mga vendors na kanilang paulit-ulit na nahuhuli na dati nilang pinapatawad dahil sa pagmamakaawa.
Tinatayang aabot na sa P3.5 bilyong halaga ng mga piniratang CDs ang nasamsam ng VRB matapos maupo dito si Revilla. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest