^

Metro

Habambuhay sa Tsinoy na drug dealer

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol ng hukuman kahapon sa isang Filipino-Chinese national makaraang mapatunayan na nagbebenta ito ng droga sa Pasay City noong Disyembre 2000.

Sa anim-na-pahinang desisyon ni Judge Porfirio Macaraeg ng Branch 110, Pasay City Regional Trial Court, ang akusado ay nakilalang si Johnny Tan, 38, nakatira sa #22 Sta. Catalina St., Mayon, Quezon City.

Bukod sa habambuhay na pagkakulong, pinagbabayad ng hukuman si Tan, dealer ng ipinagbabawal na gamot, ng kalahating milyong piso dahil sa paglabag sa Section 15, Republic Act 6425.

Base sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Disyembre 2000 sa may Kenny Rogers sa Roxas Blvd., Pasay City.

Nabatid na nadakip ang suspect ng operatiba ng Narcotics Group at nakumpiska rito ang 10 kilong shabu.

Dahil sa mga ebidensiyang prinisinta sa hukuman laban sa akusado, napatunayan na nagkasala ito sa pagbebenta ng droga kaya’t habambuhay na pagkabilanggo ang hinatol ng hukuman. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CATALINA ST.

DISYEMBRE

JOHNNY TAN

JUDGE PORFIRIO MACARAEG

KENNY ROGERS

LORDETH BONILLA

NARCOTICS GROUP

PASAY CITY

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with