Rapist na ama nasakote
February 3, 2003 | 12:00am
Isang ex-convict ang dinakip ng mga tauhan ng Central Police District-Batasan Station makaraang paulit-ulit na gahasain ang kanyang sariling anak sa Quezon City.
Kasalukuyang nakapiit ang suspect na nakilalang si Ricardo Villacarlos, 45, ng Congressional Road, Brgy. Batasan Hills ng naturang lungsod matapos na ireklamo ng kanyang anak na itinago sa pangalang Jovy.
Nabatid na ang suspect ay kalalabas lamang ng kulungan dahil sa kasong illegal possession of firearms at drug pushing.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Womens Desk ng Batasan Police, huling naganap ang panghahalay ng suspect noong Sabado ng gabi sa loob mismo ng bahay nito.
Ayon naman sa biktimang si Jovy, sinimulan siyang halayin ng suspect noong siya 11 taong gulang pa lamang at iwan ng kanyang ina.
Dahil na rin umano sa paggamit ng droga ginawa nito ang umanoy mga kalaswaan na naging dahilan din ng pakikipaghiwalay ng kanyang unang asawa.
Sinabihan umano siya ng suspect na nangungulila sa pagkawala ng kanyang ina kung kayat siya ang dapat na magpuno sa pagkukulang nito.
Subalit ipinasya ng biktima na wakasan na ang kahayupan ng kanyang ama kung kayat agad siyang nagsumbong sa kanilang barangay captain kung saan nadakip ang suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am