Lola nilooban, pinatay ng mag-asawa
February 2, 2003 | 12:00am
Isang lola na katiwala sa isang bahay ang iniulat na pinatay at saka pinagnakawan ng isang mag-asawa, kamakalawa ng madaling-araw sa Las Piñas City.
Nakilala ang biktima na si Lourdes Clemente, 61, ng Block 19, Lot 2 Villa Pangarap ng nabanggit na lungsod.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect na nakilalang sina Jacinto Laconico, 25, at Gemma Subiso, 24, katulong ng biktima.
Kamakalawa lamang ng hapon nadiskubre ang naganap na pagpaslang.
Nabatid sa imbestigasyon na si Subiso ay katulong ng biktima, habang si Laconico naman ay katulong sa kabilang bahay.
Nagpakilala umano ang dalawa bilang magkapatid subalit nadiskubre na mag-asawa pala.
Ayon sa mga testigo, huling nakita ang dalawang suspect na sumakay ng tricycle dala ang mga gamit at nagmamadali.
Naniniwala ang pulisya na pinahirapan muna ang matanda bago tuluyang pinatay.
Tumakas ang mag-asawang suspect dala ang hindi pa mabatid na cash at gamit ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended