5 pulis nang-hulidap ng Hapones, kinasuhan
February 2, 2003 | 12:00am
Limang pulis at ilang sibilyan na umanoy sangkot sa pagdukot at panghoholdap ng may 12 milyong piso sa isang Hapones ang pormal nang sinampahan ng kaso sa Department of Justice.
Dalawa pa lamang sa limang sabit na pulis ang nakikilala at kinasuhan. Ito ay sina SPO1 Victor Garcia at SPO2 Jose de Leon, kasama ang Pinoy na si Egay Castro. Kasama rin sa kinasuhan ang mga Hapones na sina Watanbe Yoshiako, Okina Yoshinori, Sugiyama Tashige, Kubota Tsunehiro.
Nakasaad sa dalawang pahinang reklamo ng PNP Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) Chief Allan Purisima sa DOJ naganap ang pangyayari noon pang Enero 28, 2002 subalit ngayon lamang naglakas loob ang biktima na si Kimura Keiko na ibunyag ang pangyayari.
Sa pahayag ni Keiko, inabangan umano siya sa NAIA ng mga armadong kalalakihan at dinala sa Magallanes Interchange sa Makati.
Kaagad umano siyang pinosasan ng mga suspect at tinangay ang dalawang bag na dala niya na naglalaman ng mga mamahaling alahas.
Nabatid na si Tashige ang umanoy siyang nagtuturo sa mayayamang Hapones na nagtutungo sa Pilipinas sa mga tiwaling pulis para holdapin. Inamin naman ng una ang nasabing modus operandi na kasama ang mga pulis-Maynila sa kanilang sindikato.
Tatlo pang sangkot na pulis ang hindi nakikilala na isinama na rin sa kaso. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest