WPD cop sabit sa hulidap, timbog
February 1, 2003 | 12:00am
Nagkagulo at nabulabog ang loob ng WPD headquarters matapos na magtatakbo doon ang isa nilang tauhan, makaraang arestuhin ito sa naganap na entrapment operation matapos ireklamo ng pangingidnap at pangongotong ng magkapatid na negosyante sa Quiapo, Manila, kahapon.
Naaresto rin pagkaraan ng ilang minutong habulan ang suspect na nakilalang si PO3 Lauro Rolusta, nakatalaga sa District Intelligence Investigation Division (DIID) habang patuloy pang pinaghahanap ang dalawa pang kasamahan nito na hindi muna binanggit ang pangalan.
Napag-alaman na inireklamo ang suspect ng negosyanteng si Omaira Umpar, 40, at kapatid nitong si Amir Umpar, ng Palanca St., Quiapo, Manila matapos umanong arestuhin ito ng grupo ni PO3 Rolusta dahil sa umanoy pagiging pusher ng mga ito sa Quiapo.
Noon din ay agad na kinuha ng grupo ni Rolusta, ang P92,000 cash na dala ng mga biktima at pagdating pa sa himpilan ng pulisya ay pinatawag pa ng grupo ng pulis si Omaira sa kapatid na si Orania at sinabing tubusin sila ng P500,000 cash para sa paglaya.
Nakipagtawaran umano ang pamilya Umpar sa grupo ng suspect hanggang sa magkasundo na lamang sa halagang P200,000. Itinagubilin ni Rolusta na dalhin ang pera sa mismong headquarters kapalit ng paglaya ng dalawang biktima.
Gayunman, lingid sa kaalaman ng mga suspect nagsumbong ang kaanak ni Umpar kay WPD director Pedro Bulaong, kaugnay sa ginawang pagdukot at pangongotong ng grupo at kahapon habang kinukuha ng mga suspect ang pera sa kaanak ng mga biktima ay nagmadaling tumalilis ang mga ito makaraang mapakiramdaman na aarestuhin sila. Nagtatakbo ito sa loob ng headquarters subalit nasukol din ng kanyang mga kasamang pulis. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest