Ama pinatay ang sariling anak dahil sa bisikleta
January 31, 2003 | 12:00am
Dahil lamang sa bisikleta, kalunus-lunos ang sinapit ng isang 21-anyos na binata makaraang bugbugin at mapatay ng kanyang amang addict sa Pasig City.
Dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital ang biktima na nakilalang si Andrew Olesco, ng 4219 St. Paul St. SPS Compound, Brgy. Rosario Pasig matapos na magtamo ng " intercranial bleeding secondary to traumatic injury".
Samantalang nahaharap naman sa kasong parricide ang suspect na si Gil Olesco Sr., 49, electrician matapos na mapatay ang anak.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Lardy Ignacio, alas-11:35 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima.
Kararating lamang ng suspect na lasing sa ipinagbabawal na gamot at tinanong ang biktma kung saan nito nilagay ang bisikleta.
Nang hindi maituro ng biktima, sunud-sunod na sipa, suntok at palo ng kahoy ang tinamo nito sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Natapos lamang ang pambubugbog ng suspect nang makitang bumagsak ang anak at nawalan ng malay-tao. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended