Vintage bomb natagpuan sa CA
January 30, 2003 | 12:00am
Isang vintage bomb ang natagpuan sa loob ng Court of Appeals (CA) habang naghuhukay dito para sa bagong itatayong gusali.
Sinabi ni CA presiding Justice Cancio Garcia na posibleng ang vintage bomb ang ginagamit sa pambobomba noong panahon ng Hapon at isa ang gusali ng CA sa naging kuta ng Japanese Imperial Army.
Nabatid na ang private guard ng construction company na si Edward Valdecana ng Speed Security Agency ang nakakita sa bomba noong Disyembre habang isinasagawa ang paghuhukay at ipinaalam lamang ito kay CA Security Guard III na si Felix Moreto.
Inakala naman ni Moreto na naipagbigay-alam na ni Valdecana sa Western Police District (WPD) Explosives Division ang pagkakadiskubre ng bomba upang ma-diffuse na ito.
Subalit itinago lamang pala sa loob ng guardhouse ang naturang bomba hanggang umabot ito sa isang buwan bago nalaman ni CA Asst. Chief Security Benjamin Antoyne hanggang makarating ito sa kaalaman ni Justice Garcia.
Kamakalawa ng hapon ay saka lamang nakuha at nai-diffuse ng mga kagawad ng WPD ang naturang bomba.
Dahil dito kung kayat muling pinasuyod ni Justice Garcia ang buong building ng CA upang matiyak na wala nang bombang nagkalat sa naturang lugar at masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado rito. (Ulat nina Gemma Amargo at Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended