^

Metro

2 Senador mamamatay ngayong 2003?

-
Dalawa umanong senador kabilang ang isang kontrobersiyal na presidential bet ang sinasabing maaaring sumakabilang-buhay ngayong 2003.

Ito ang naging prediksyon ng isa sa sikat na psychic na si Danilo Atienza na inihayag nito sa mediamen sa lingguhang forum sa Citio Fernandina sa Greenhills, San Juan kahapon.

Ayon kay Atienza, isa sa dalawang senador ay mamamatay umano sa malubha nitong karamdaman, habang ang isa naman ay nakikita niyang dahil sa sobrang kasikatan at pagiging masyadong kontrobersiyal ay magiging malagim ang kamatayan. Maaari umano itong masawi o ma-ambush.

Gayunman, tumanggi si Atienza na tukuyin ang pangalan at maging ang partido pulitikal na kinabibilangan ng dalawang senador.

Sinabi ni Atienza na 99.99% umano na hindi pa nagmintis ang kanyang mga hula dahil siya rin umano ang nagbigay ng prediksiyon hinggil sa kinasapitang kamatayan nina Cagayan Congressman Rodolfo Aguinaldo at Quezon Rep. Marcial Punzalan na kapwa itinumba ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) noong 2001, gayundin ang pagkamatay sa sakit ni Misamis Occidental Rep. Hilarion Ramiro.

Maging ang nangyaring pagpapatalsik umano sa kapangyarihan kay dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada noong Enero 20, 2001 sa makasaysayang EDSA 2 nang palitan ito sa posisyon ng noo’y kanyang bise presidente at ngayo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ay siya rin umano ang humula.

Sinabi pa ng psychic na wala umano siyang tanging maipapayo sa mga senador kundi ang mag-ingat lalo na sa kanilang kalusugan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ATIENZA

CAGAYAN CONGRESSMAN RODOLFO AGUINALDO

CITIO FERNANDINA

DANILO ATIENZA

HILARION RAMIRO

JOY CANTOS

MARCIAL PUNZALAN

MISAMIS OCCIDENTAL REP

NEW PEOPLE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with