^

Metro

P1.00 dagdag sa singil sa pasahe sa mga aircon bus

-
Itataas na rin ng mga aircon bus na bumibiyahe sa Metro Manila ng karagdagang P1.00 ang singil sa pasahe.

Sa panayam, sinabi ni Integrated Metro Bus Operators Association (IMBOA) President Claire dela Fuente na awtomatikong ipatutupad nila ang pagtataas ng singil sa pasahe sa sandaling tularan ng dalawa pang big oil companies na Pilipinas Shell at Petron ang ginawang pagtataas ng presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ng Caltex Philippines.

Nauna nang nagtaas ng karagdagan pang P.55 sentimos ang Caltex Philippines nitong nakalipas na Biyernes na siya ring dahilan kung bakit ipinabo-boycott ni Oil Price Watch Chairman Raul Concepcion ang pagbili ng produkto ng nasabing kumpanya.

Base sa rekord ng DOTC, sa kabuuang 11,000 mga buses na bumibiyahe sa Metro Manila, 80 porsiyento rito ay mula sa IMBOA.

Ayon kay dela Fuente, bago nila itaas ang pasahe ay mag-aanunsiyo muna sila sa mga commuters sa loob ng isang linggo na ipapaskel sa mga bus terminals at iba pa upang hindi naman umano mabigla ang mga ito.

Sinabi pa nito na masyado na umanong mabigat na pasanin ang sobrang taas ng presyo ng langis kaya dapat na rin silang magtaas ng singil sa pasahe.

Sa katunayan, ayon pa kay dela Fuente ay may nakahain na ring petisyon ang iba pang transport groups sa tanggapan ni LTFRB Chairman Dante Lantin para maipatupad ang karagdagang singil sa pasahe.

Samantala, maging ang iba pang transport sectors tulad ng mga jeepney at mga provincial bus ay naghahanda na rin umanong magsumite ng petisyon para maitaas ang singil sa pasahe sa sandaling pare-pareho nang magtaas ng presyo ng langis ang mga higanteng kumpanya ng langis sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

CALTEX PHILIPPINES

CHAIRMAN DANTE LANTIN

FUENTE

INTEGRATED METRO BUS OPERATORS ASSOCIATION

JOY CANTOS

METRO MANILA

OIL PRICE WATCH CHAIRMAN RAUL CONCEPCION

PILIPINAS SHELL

PRESIDENT CLAIRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with