^

Metro

Ex-mayor ng Laguna nakaligtas sa ambush

-
Nakaligtas sa bigong ambush ang dating Mayor ng Pagsanjan, Laguna na nakilalang si Abner Afuang, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi nakikilalang suspect matapos ang isinagawang pamamaril.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:30 kahapon ng madaling-araw sa harapan sa may Paseo de Roxas St., Legaspi Village, Makati City.

Ayon kay Afuang, minamaneho niya ang kanyang kulay pulang Toyota Corolla at habang binabagtas niya ang nabanggit na lugar ay napansin niya ang pagsunod ng isang Honda Civic na walang plaka.

Dumikit umano ang mga suspect at kasunod na nito ay ang dalawang putok ng baril ang umalingawngaw.

Masuwerte umanong sa sasakyan niya tumama ang pinakawalang bala ng mga ito.

Hindi pa mabatid kung sino at kung ano ang maaaring motibo sa bigong ambush sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABNER AFUANG

AFUANG

AYON

DUMIKIT

HONDA CIVIC

LEGASPI VILLAGE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

ROXAS ST.

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with