Dahil sa selos sa kasintahan ng pamangkin, binata nagbigti
January 27, 2003 | 12:00am
Makaraang pagselosan ang umanoy kasintahan ng kanyang pamangkin , isang binata ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob mismo ng kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ni SPO1 Rodrigo Barrameda, ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang biktima na si Roberto Cecilio,38, ng Unit 5, Purok 15 Adarna Extension, Brgy. Commonwealth, ng nabanggit ding lungsod.
Ayon kay Barrameda, dakong ala 1 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima ng kanyang ama na si Meliton na nakabitin ng pinagdugtung-dugtong na kumot sa loob ng kuwarto at patay na.
Nakuha ni Barrameda ang tatlong pahinang suicide note na nagsasaad na masama umano ang loob nito sa tuwing makikita ang kasintahan ng pamangkin na si Sylie Marie Cecilio na dumadalaw sa bahay.
Hindi naman umano maipakita ng biktima ang kanyang pagkagusto sa kanyang pamangkin dahil sa sila ay magtiyuhin.
Nakita din ng pulisya ang salitang "GOODBYE" na nakasulat sa dingding ng kuwarto ng biktima.
Samantala, natagpuan namang nakabitin ng kanyang necktie ang negosyanteng Hapones na si Kohie Tajima sa loob ng Room 1814 sa Discovery Suites Hotel sa may ADB Avenue, Ortigas Center Pasig na kanyang tinutuluyan kamakalawa ng gabi.
Nabatid sa management ng hotel na mahigit isang araw ng hindi lumalabas ng kuwarto at hindi sinasagot ni Tajima ang tawag sa telepono kung kayat nagpasya silang kunin ang duplicate key.
Laking gulat nila nang makitang nakatali ng necktie ang leeg nito at isa ng matigas na bangkay. (Ulat nina Doris Franche at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest