Dead on arrival sa Manila Doctors ang biktima na nakilalang si Christopher Sta. Maria, binata at nakatira sa Labores Extension, Pandacan ng nasabing lungsod samantalang sugatan naman ang kaibigan nito na si Danilo Panganiban, 22.
Ayon sa pahayag ni Panganiban, dakong 1:30 ng madaling araw nang papauwi na sila at maisipan ni Sta. Maria na umihi sa gilid ng daan sa Labores Extension.
Napadaan naman ang dalawang hindi pa nakikilalang suspect at napatingin kay Sta. Maria na nooy ilalabas ang kanyang ari upang umihi.
Inakala umano ng dalawang suspect na bubunutan sila ng baril ng biktima kung kayat nagmaniobra at walang sabi-sabing pinaputukan ito. Tinangka naman ni Panganiban na tulungan ang biktima subalit binaril din siya ng mga suspect. (Ulat ni Rudy Andal)