^

Metro

Inakalang bubunot ng baril, todas

-
Sa pag-aakalang bubunot ng baril, isang 21 anyos na lalaki na iihi ang pinagbabaril hanggang sa mapatay at ikinasugat naman ng kaibigan nito kahapon ng madaling araw sa Maynila.

Dead on arrival sa Manila Doctors ang biktima na nakilalang si Christopher Sta. Maria, binata at nakatira sa Labores Extension, Pandacan ng nasabing lungsod samantalang sugatan naman ang kaibigan nito na si Danilo Panganiban, 22.

Ayon sa pahayag ni Panganiban, dakong 1:30 ng madaling araw nang papauwi na sila at maisipan ni Sta. Maria na umihi sa gilid ng daan sa Labores Extension.

Napadaan naman ang dalawang hindi pa nakikilalang suspect at napatingin kay Sta. Maria na noo’y ilalabas ang kanyang ari upang umihi.

Inakala umano ng dalawang suspect na bubunutan sila ng baril ng biktima kung kaya’t nagmaniobra at walang sabi-sabing pinaputukan ito. Tinangka naman ni Panganiban na tulungan ang biktima subalit binaril din siya ng mga suspect. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

CHRISTOPHER STA

DANILO PANGANIBAN

INAKALA

LABORES EXTENSION

MANILA DOCTORS

MAYNILA

NAPADAAN

PANGANIBAN

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with