^

Metro

Di lang van ang pamilyar kundi pati 2 salvage victim

-
Hindi lamang ang L-300 van ang pamilyar sa loob ng Camp Karingal kundi pati na rin ang dalawa sa apat na biktima ng salvage noong Lunes sa Quezon City.

Ito naman ang sinabi ng ilang pulis sa Karingal matapos na makita ang mukha nina Crisanto Fidellaga, 30, house painter ng San Ignacio St. Villa Real , Brgy. Gulod, Q.C. at ang nagngangalang Allan na kasama sa umano’y itinumba ng anim na pulis.

Madalas umanong magpunta at masita sa kampo ang dalawang biktima subalit sinasabi ng mga ito na may pupuntahan lamang sila sa mga nakatira sa likod ng CIU.

Hanggang sa ipakilala na ang dalawang biktima na kapwa police asset sa mga pulis na nakatalaga sa gate ng kampo upang hindi na masita.

Nalaman na lamang nila na sina Fidellaga, Allan, Crestituto Carsido at Angelito Nabong ay pawang mga snatcher at holdaper at bata ng pulis. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANGELITO NABONG

BRGY

CAMP KARINGAL

CRESTITUTO CARSIDO

CRISANTO FIDELLAGA

DORIS FRANCHE

FIDELLAGA

GULOD

QUEZON CITY

SAN IGNACIO ST. VILLA REAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with