^

Metro

Amo pinatay, pinagnakawan ng 2 helper

-
Basag ang ulo at mukha ng isang ginang makaraang patayin at pagnakawan ng kanyang mga katulong kahapon ng umaga sa kanyang tahanan sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Milagros Lopinto, 63, housewife ng Blk. 6 Lot 8 Camachile St. Palmera Homes, Brgy. Sta. Monica, Novaliches ng nabanggit ding lungsod bunga na rin ng maraming tama sa ulo, mukha at bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang nadakip ang mga suspect na nakilalang sina Ronald Besina, 22 at Albert Alba, 22, kapwa stay-in helper matapos na makuha sa kanila ang halagang P30,000 na pinaniniwalaang bahagi ng remittance na natanggap ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng Central Police District -Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas 6 ng umaga sa sala na may tama sa ulo at mukha na palatandaan na pinalo ng matigas na bagay.

Nauna rito, sinabi ng anak ng biktima na si Annaliza Lopinto, 32, na naririnig niyang nagkakaroon ng pagtatalo ang kanyang ina at ang suspect na si Alba dahil sa bumabale ng P100.

Nalaman ng mga suspect na may dumating na remittance mula sa ina ng biktima na nasa London at nagpadala ng P86,823.

Madalas umanong bumale ang suspect na si Alba upang gamitin sa kanyang bisyo at pag-iinom ng alak na ikinagalit ng kanyang ina.

Ginising siya ng suspect na si Besina at sinabing may mangyari sa kanyang ina upang hindi mapaghinalaan. Subalit sa kanila nakuha ang nawawalang pera ng biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALBERT ALBA

ANNALIZA LOPINTO

BASAG

CAMACHILE ST. PALMERA HOMES

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

MILAGROS LOPINTO

QUEZON CITY

RONALD BESINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with