Cardeño umeskapo na Adaza
January 26, 2003 | 12:00am
Umeskapo na palabas ng bansa ang tinutugis na si Supt. Rafael Cardeño na sinasabing utak sa pagpaslang kay Young Officers Union (YOU) Capt. Baron Cervantes.
Ito ang inihayag kahapon ng abogado ni Cardeño na si Atty. Homobono Adaza.
Ayon kay Adaza, ang pagtakas ni Cardeño ay kinumpirma umano sa kanya ng ilang source nila sa militar.
Si Cardeño ay huling namataan sa Davao City nitong nakalipas na Linggo kaya nga nagtungo doon si Adaza para kausapin ang kanyang kliyente.
Posible umano na nasa Estados Unidos na si Cardeño na napilitang umalis ng bansa dahil na rin sa banta sa kanyang buhay.
Sa panig naman ni Chief Supt. Romeo Maganto, hepe ng Task Force Cervantes na tumutugis kay Cardeño na hindi siya naniniwala na umalis na ng bansa ang huli ay maaaring psywar lamang para lumamig ang pagtugis sa kanya.
Magugunitang si Cardeño ay may patong na isang milyon sa ulo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am