^

Metro

Nag-aagawan sa pasahero: Driver patay sa kabaro

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang pedicab driver ang kapwa niya driver dahil lamang sa agawan sa pasahero, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Nakilala ang biktima na si Manuel Sanchez, 33, tubong Ilocos. Hindi na ito umabot pang buhay makaraang isugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital bunga ng tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid sa ulat na dakong alas-10 ng gabi ng maganap ang insidente sa panulukan ng Recto Avenue at Elcano St. sa Tondo.

Ayon sa ulat, bago naganap ang krimen, isang lalaki ang umarkila sa biktima.

Napag-alaman na nauna sa pila ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Jimmy Lok subalit dahil sa ito ay kumain pa ay sa pedicab ng biktima sumakay ang lalaking pasahero.

Nang malaman ng suspect ang nangyari ay kinompronta nito ang biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Ilang sandali pa ay naglabas na ng patalim ang suspect at pinagsasaksak ang biktima.

Mabilis na tumakas ang salarin matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AYON

CRUZ

ELCANO ST.

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

ILANG

ILOCOS

JIMMY LOK

MABILIS

MANUEL SANCHEZ

RECTO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with