Naatrasan ng 10 wheeler truck; 2 patay
January 25, 2003 | 12:00am
Dalawa katao ang nasawi makaraang maatrasan ng isang ten-wheeler truck ang sinasakyan nitong Isuzu Anfra kamakalawa ng gabi sa Delpan Bridge, Binondo, Manila.
Namatay noon din ang mga biktimang sina Joselito de Leon, 27, ng Blk 1 Lot 16 Salmos St. Dagat-Dagatan, Caloocan City at si Federico Cortez, 44, na kapwa lulan ng Isuzu Anfra na may plakang WHL-382.
Nabatid mula sa imbestigasyon ng Western Police District- Traffic Management Group na dakong alas-9 ng gabi ng maganap ang aksidente sa naturang lugar.
Nabatid na paahon umano ang nasabing ten-wheeler truck na minamaneho ni Noel Martinez sa ibabaw ng Delpan Bridge ng hindi sinasadyang kapusin ang pagkambiyo nito kung kayat naatrasan nito ang sinasakyan ng mga biktima.
Mabilis namang sumuko ang suspect matapos ang naganap na trahedya. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest